"Mobile Graduation" ng isang paaralan, viral sa social media


Viral ngayon sa social media ang isinagawang Mobile Graduation ng Lawigan Elementary School sa Antique.

Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Ma'am Rosalina Serquino ang pagamit nila ng isang kalabaw upang maisakatuparan ang isang mobile graduation.

Lubos naman ang kaligayan ng mga batang nagsipagtapos ganoon din ng kanilang mga magulang dahil hindi man nakasampa sa entablado ang kanilang mga anak sa taong ito ay nabigyan pa rin sila ng pagkakataon na maramdaman at maranasan ang araw ng kanilang pagtatapos.

Maraming netizens naman ang humanga sa ginawa ng paaralang ito. Tunay ngang lahat ay magagawan ng paraan basta't may pagtutulungan at pagkakaisa.



"Mobile Graduation" ng isang paaralan, viral sa social media "Mobile Graduation" ng isang paaralan, viral sa social media Reviewed by Teachers Click on July 16, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.