Labor Sec. Silvestre Bello iminungkahing alisin ang board at bar examination


Iminugkahi ni DOLE Sec. Silvestre Bello III na alisin na ang board at bar examination partikular sa mga nurse at engineer gayon din ang bar examination para sa mga abogado.

Ayon sa kalihim, sapat na ang panahon na ginugol ng mga ito sa kolehiyo at ang mga pagsusulit na kanilang natapos upang sila ay makahanap ng maayos na trabaho.

"In my meeting and dialogue with Philippine Nurses Association and the Board of Nursing, sinabi ko…alam ninyo why don’t you recommend na we do away with the examination. Sabi ko bakit kailangan pa natin ng examination? Kagaya kako sa BAR, why don’t we do away with BAR… tutal yung estudyante may 4-years pre-law, 4-years proper, dadaan ka sa rigorous scrutiny, tapos dadaan ka pa sa BAR. Tapos nakita mo naman yung mga nagta-top sa BAR hindi naman sila kasinggaling pagdating sa practice. Although I am not trying to demean that," wika ng kalihim.

Dagdag pa ni Bello, hindi biro ang pagkuha ng kursong nursing dahil sa mga gastusin na kaakibat nito.

"Napakamahal na kumuha ng kursong nursing, kukuha sila ng 4-years…after graduating kukuha sila ng board exam. Bakit pa kailangan ng board exam eh ilang exam ang dinaanan nila sa nursing. First year, second year, third year, fourth year. May prelims, may midterm may finals…eh puro na lang exam, they do not trust the schools where these nurses came from? Especially so kung yung eskwelahan na pinanggalingan nila ay acredited by CHED," dagdag ni Bello.

Iginiit niya na kung bibilangin ang taon ng pag-aaral, pagsasanay, at pagsusulit ng mga ito ay nararapat lamang na pag-aralan at mairekomenda sa kongreso ang pag-aalis ng board at bar examination.

"Dapat alisin na 'yung mga board exam sa mga engineer, board exam ng mga dentistry, bar exam. Eight years ka nang nag-aaral para maging abogado, pumasa ka na sa lahat ng exam, kukuha ka pa ng Bar? tapos minsang magkakamali ka siyempre during the exam medyo sumama ang pakiramdam mo, babagsak ka…eh nasaan ang katarungan 'dyan?" giit niya.

IMPORTANT NEWS FOR TEACHERS
Labor Sec. Silvestre Bello iminungkahing alisin ang board at bar examination Labor Sec. Silvestre Bello iminungkahing alisin ang board at bar examination Reviewed by Teachers Click on July 24, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.