Bilang tugon sa mga miyembro at pensioner na labis na naapektuhan ng pananalasa ng mga bagyo, ipatutupad ng Government Service Insurance System (GSIS) ang tatlong buwang moratorium o grace period sa pagbabayad ng kanilang emergency loans.
Ibig sabihin, hindi muna kailangang magbayad sa loob ng tatlong buwan upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga miyembro at pensioner na makarekober, makapagsimula muli, at hindi agad mabigatan sa mga bayarin.
Layunin ng GSIS na maibsan ang pinansyal na pasanin ng mga apektadong miyembro at pensioner habang unti-unting bumabangon mula sa pinsalang dulot ng kalamidad. Sa panahon ng matinding pagsubok, nananatiling matatag na katuwang ng mga lingkod-bayan at retirado ang GSIS sa kanilang pagbangon at muling pag-asenso.
📅 Iskedyul ng Pagbabayad:
-
Mga loan na kinuha Nobyembre 2025 → unang bayad sa Abril 10, 2026
-
Mga loan na kinuha Disyembre 2025 → unang bayad sa Mayo 10, 2026
-
Mga loan na kinuha Enero 2026 → unang bayad sa Hulyo 10, 2026
-
Mga loan na kinuha Pebrero 2026 → unang bayad sa Agosto 10, 2026
🕓 Bukas ang GSIS Emergency Loan Program mula Nobyembre 7, 2025 hanggang Pebrero 7, 2026.
Maaaring mag-apply ang mga kwalipikadong miyembro at pensioner sa pamamagitan ng:
-
GSIS website
-
GSIS Touch mobile app
-
o sa pinakamalapit na GSIS branch
Reviewed by Teachers Click
on
November 09, 2025
Rating:

No comments: