Lahat ng mga guro mababakunahan hanggang Agosto 2021


Tiniyak ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na matatapos mabakunahan ang lahat ng mga guro sa bansa hanggang sa buwan ng Agosto 2021. Ito ay dahil inaasahan na ang pagdating ng maraming mga bakuna ngayong ngayon at sa mga susunod pang buwan.

Ayon kay Galvez, malaking tulong ito sakaling ibalik ang face-to-face classes sa bansa.

"Just in case talagang magkakaroon tayo ng open face-to-face sa ating education, kailangan po ‘yung lahat ng teachers ay mabakunahan po. Iyon po ang aming commitment kay Secretary Leonor Briones, na before end of August, 'yung mga teachers po ay mabakunahan po natin," wika ni Galvez. 

Dagdag pa ni Galvez ay nakatakdang dumating sa bansa ang milyun-milyong doses ng bakuna na karamihan ay manggagaling sa China ngayong Hulyo at Agosto.


Lahat ng mga guro mababakunahan hanggang Agosto 2021 Lahat ng mga guro mababakunahan hanggang Agosto 2021 Reviewed by Teachers Click on July 17, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.