Isang estudyante nagpositibo sa COVID-19 matapos umattend sa face-to-face class
Isang mag-aaral sa pribadong paaralan sa Cauayan City, Isabela ang nagpositibo sa COVID-19 matapos niyang umattend ng face-to-face class.
Ayon kay Mayor Bernard Faustino Dy ng Cauayan City, ang nasabing mag-aaral ay nasa isang isolation facility na ngayon at kasalukuyang nakararanas ng mga sintomas ng COVID-19.
Iniimbestigahan na ng lokal ng pamahalaan ng lugar ang insidenteng ito at ayon sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay mahigit sa dalawampung (20) mag-aaral ang dumalo sa nasabing face-to-face class.
“Mayroon po kaming currently iniimbestigahan together with CHED dahil apparently nagkaroon ng face-to-face but it was not a normal school time, parang Sunday yata ginawa ‘yon so ito ay parang remedial class,” wika ni Mayor Dy.
Binigyang diin ni Mayor Dy na walang pahintulot sa LGU at CHED ang pagsasagawa ng face-to-face classes ng nasabing private school kaya't patuloy ang kanilang imbestigasyon sa pangyayaring ito.
MORE FREE ONLINE WEBINARS AND COURSES FOR TEACHERS (CLICK HERE)
Isang estudyante nagpositibo sa COVID-19 matapos umattend sa face-to-face class
Reviewed by Teachers Click
on
September 12, 2020
Rating:
Reviewed by Teachers Click
on
September 12, 2020
Rating:
No comments: