Mga guro sa isang paaralan tumanggap ng tig-iisang printer at bondpapers sa unang araw ng pasukan


Isang magandang panimula ang sumalubong sa mga guro ng Libayoy National High School sa bayan ng Tigbao, Zamboanga del Sur sa pagbubukas ng klase noong Setyembre 13, 2021.

Bawat isang guro ay tumanggap ng isang (1) brand new printer at 3 reams ng bondpaper na lubos na magiging kapaki-pakinabang sa kanila lalo na sa paghahanda at pagpiprint ng mga leaerning materials para sa kanilang mga mag-aaral.

Makikita sa ibinahaging mga larawan sa social media ni Ma'am Lilybeth P. Halasan, isang guro sa nasabing paaralan, lubos ang kanilang kaligayan sa mga natanggap na kagamitan dahil ito ang mga pangunahin nilang pangangailangan habang nasa ilalim pa rin ng distance learning ang bansa bunsod ng pandemya.

Photo Credits to Ma'am Lilybeth P. Halasan


Pinasalamatan naman ni Ma'am Halasan ang kanilang Punong Guro na si Sir Arnold Salvacion Consolacion na siyang nanguna sa pagbili at pagkakaloob ng mga nasabing kagamitan sa kanyang mga kasamag guro.

Photo Credits to Ma'am Lilybeth P. Halasan

Napag-alaman na ang perang ginamit sa pagbili ng mga ito ay nagmula sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE ng paaralan. Bukod sa printer at bondpapers, tumanggap din ang mga guro ng facemasks, face shields, Printer Inks, mga sabon, masking tape, at alkohol.

Bumuhos naman ang "sana all" comments ng ibang mga guro sa bansa sa mga nakitang larawan sa social media post na ito.



Credits to Ma'am Lilybeth P. Halasan

FREE DOWNLOADABLE FILES FOR TEACHERS

(Updated for SY 2021-2022)

WEEKLY HOME LEARNING PLAN (WHLP)

DOWNLOAD

SUMMATIVE TESTS (With Answer Keys)

DOWNLOAD

PERFORMANCE TASKS (With Rubrics)

DOWNLOAD


Mga guro sa isang paaralan tumanggap ng tig-iisang printer at bondpapers sa unang araw ng pasukan Mga guro sa isang paaralan tumanggap ng tig-iisang printer at bondpapers sa unang araw ng pasukan Reviewed by Teachers Click on September 18, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.