Babala ng DepEd sa mga magulang, guro, at mag-aaral hinggil sa pagpopost ng report card at certificates sa social media


Sa mga guro, magulang at mga mag aaral,

Buong galang na may pagmamalasakit po tayong pinaaalalahanan at hinihikayat ng DepEd na iwasan ang pagpopost ng buong larawan ng ID, Report Card o Certificate ng ating mga anak sa Facebook o sa anupamang social networking site platforms. Ang mga dokumentong ito, bagama’t karapatdapat ipagmalaki, ay naglalaman ng mga mahahalaga at sensitibong personal na impormasyong maaaring gamitin upang mambiktima at manlinlang ng kapwa kabilang na may ari ng mga dokumentong iyon kasama na rin ang kanyang mga kaanak.

1. Ang buong pangalan ng bata at buong pangalan ng kanyang paaralan na matatagpuan rito ay maaaring gamitin upang matukoy kung saan siya naroroon. Napakadali ngayong isearch at makita ang mga social media accounts ng mga bata gayundin makita sa mapa gamit ang internet ang kinaroroonan ng mga ito;

2. Ang Learner Reference Number (LRN) na natatangi sa isang magaaral ay matatagpuan rin sa mga dokumentong ito. Nakaugnay sa LRN ng isang bata ang kanyang historical school records kasama ang kanyang mga marka gayundin ang mga personal na impormasyon gaya ng petsa ng kapanganakan, adres, pangalan ng mga magulang, lahi, at iba pa, na pawang ginawa ng gobyerno bilang paghahanda sa National ID System. Isang hack ng database ng DepEd at tiyak na makikita ang mga impormasyong ito na magagamit sa Identity Theft o pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Nagagamit, halimbawa, ang apelyido ng nanay noong dalaga at petsa ng kapanganakan upang matukoy ang password ng isang tao sa kanyang mga accounts;

3. Ang lagda o pirma ng mga school administrators at principals gayundin ang mga logos at headers ng mga paaralan ay naroroon din. Ang mga ito ay maaaring makopya at maedit para makahingi ng donasyon at makapangikil;

4. Ang buong Diploma o Certificate ay maaaring makopya para magamit sa pansariling kapakanan. Napakadali na ngayong mag edit at makapandaya.

Muli po, bagama’t tunay na maipagmamalaki ang mga dokumentong ito at masarap ipost sa ating social media accounts, unahin pa rin natin ang kapakanan ng ating mga anak at sarili. Mas mahalaga pa rin na maproteksyunan natin ang privacy natin at ng ating mga anak.

Maraming salamat po!

#DataProtection 
#RA10173 
#CyberSecurity 
#IdentityTheft


NEW RPMS PORTFOLIO for Teacher I - III (DOWNLOAD)
RPMS Cover Pages
Download 👉 https://tinyurl.com/rcmc7mk7
Automated IPCRF for Teachers and MTs
Download 👉 https://tinyurl.com/ncbpn8w7
LDM2 Practicum Portfolio with Sample Annotations
Download 👉 https://tinyurl.com/smbzcnxe
Babala ng DepEd sa mga magulang, guro, at mag-aaral hinggil sa pagpopost ng report card at certificates sa social media Babala ng DepEd sa mga magulang, guro, at mag-aaral hinggil sa pagpopost ng report card at certificates sa social media Reviewed by Teachers Click on July 20, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.