Angel Locsin tinawag na "Obese" sa isang module - Viral


Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang bahagi ng self-learning module ng DepEd Occidental Mindoro kung saan tahasang nakasaad ang mga katagang "Angel Locsin is an obese person."

Agad itong nag-viral sa social media at hindi ito ikinatuwa ng maraming netizens dahil tila body shaming ito sa aktres.

Sa nasabing module sa MAPEH, nakasaad ang isang sitwasyon tungkol sa lifestyle ni Angel Locsin at kung ano ang mangyayari sa kanya kung patuloy na ganito ang kanyang ginagawa:

"SITUATION: Angel Locsin is an obese person. She, together with Coco Martin eats fatty and sweet food in Mang Inasal fast food restaurant most of the time. In her house, she always watching television and does not have any physical activities.

QUESTIONS: (5 pts. each)

1. What do you think will happen to Angel if she continues her lifestyle?
2. How do lifestyle affects the health of an individual?"


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng DepEd Occidental Mindoro, napag-alaman na hindi dumaan sa quality assurance ang nasabing materyal at ito ay ginawa lamang ng isang guro bilang bahagi ng pagsusulit para sa mga mag-aaral.

Humingi naman ng agarang paumanhin ang DepEd hinggil dito.

Angel Locsin tinawag na "Obese" sa isang module - Viral Angel Locsin tinawag na "Obese" sa isang module - Viral Reviewed by Teachers Click on November 14, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.