55 Years Old Optional Retirement Age para sa mga GURO isinusulong





Isinusulong ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang pagsasabatas na gawing 55 Years Old ang Optional Retirement Age para sa mga pampublikong guro. Ito ay upang magkaroon pa ng mas maraming panahon ang mga guro para sa kanilang sarili matapos ang mahabang taon ng serbisyo publiko.

Ayon kay Rep. Vargas, ang mga guro ay kabilang sa mga hindi matatawaran ang serbisyo para sa bansa sa pagtugon ng kanilang tungkulin para sa mga mag-aaral. Kaya nararapat lamang na gawing 55 years old ang optional retirement age para sa kanila upang mapagtuunan naman nila ang pagpapasaya sa kanilang mga sarili at mas mabigyang panahon ang kani-kanilang mga pamilya.

Nakasaad sa House Bill No. 7456 na sa halip na 60 ay gagawin na lamang itong 55 years old.


55 Years Old Optional Retirement Age para sa mga GURO isinusulong 55 Years Old Optional Retirement Age para sa mga GURO isinusulong Reviewed by Teachers Click on September 05, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.