VIRAL: Guro hinangaan sa ginawa niyang mobile drop box




Isang public school teacher ang nag-viral dahil sa pagsasagawa niya ng mobile drop box na kung saan ay ginamit niya ang sarili niyang motorsiklo upang marating ang malalayong lugar at makalap ang mga Learning Enrollment and Survey Form (LESF) mula sa mga mag-aaral nilang nakatira sa malalayong lugar.

Siya si Sir Jayram Acab ng Danawan Elementary School sa Negros Oriental. Makikita sa mga larawang ibinahagi sa social media ni Sir Michael Gamala, isang teacher-journalist, ang sakripisyo ni Sir Jayram nang tahakin niya ang mga mapuputik at mahihirap na daan gamit ang kanyang motorsiklo upang marating ang mga malalayong lugar kung nasaan ang kanilang mga mag-aaral.













Courtesy: Michael Gamala


VIRAL: Guro hinangaan sa ginawa niyang mobile drop box VIRAL: Guro hinangaan sa ginawa niyang mobile drop box Reviewed by Teachers Click on June 26, 2020 Rating: 5

1 comment:

  1. Wowww God bless you po.. nakaka inspire po Ang ginawa nyo sir..

    ReplyDelete

Powered by Blogger.