DepEd proposed P3,000 additional pay for teachers for the extra hours due to VCM and SD card issues


The Department of Education Election Task Force (ETF), headed by Undersecretary Alain Del B. Pascua, with Director Marc Bragado as operations head, has proposed to COMELEC an additional pay of Php 3,000 across the board for the extra hours rendered by some teachers due to VCM and SD Cards.

Here is the official statement from DepEd regarding this matter:

Mayo 14, 2022 – Buong pusong nagpapasalamat ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), sa pamamagitan ni Kalihim Leonor Magtolis Briones, sa ating mga guro at personnel na nanilbihan sa katatapos lamang na 2022 National and Local Elections.


Muli na namang nasaksihan ng bansa ang katapangan at dedikasyon ng malaking samahan ng ating mga tagapagturo na lubusang nagbahagi ng kanilang kontribusyon sa ligtas at maayos na pagsasagawa ng halalan ngayong taon. Nais naming ibalik ang pabor sa ating mga guro sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pakikipagtulungan sa Commission on Elections (COMELEC) sa paglabas ng kanilang poll honoraria at iba pang allowances bago o sa Mayo 24, 2022, ayon sa nakasaad sa COMELEC Resolution No. 10727. Kikilalanin din natin ang limang (5) araw na service credit para sa mga nanilbihan bilang miyembro ng Electoral Boards at DESO, at kani-kanilang support staff. 

Bukod dito, iminungkahi ng DepEd Election Task Force (ETF), sa pangunguna ni Pangalawang Kalihim Alain Del B. Pascua, kasama si Director Marc Bragado bilang operations head, sa COMELEC ang karagdagang P3,000 na sahod sa buong board para sa dagdag na oras na inilaan ng ilang mga guro dahil sa mga isyu ng VCM at SD card.


Pinapaalalahanan ang publiko na ang COMELEC ang siyang responsable sa pagproseso at pagpapalabas ng honoraria na kaugnay ng eleksiyon.

Gayunpaman, proaktibong naghahanap ang DepEd ng mga paraan upang mabayaran pa ang ating mga guro para sa kanilang serbisyo sa halalan, sa tulong ng mga polisiya ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission of Audit (COA) at sa tulong ng Kongreso.

Source: Department of Education



FREE DOWNLOADABLE FILES FOR TEACHERS

SY 2021-2022

Weekly Learning Plans (WLPs)

DOWNLOAD

Weekly Home Learning Plans (WHLPs)

DOWNLOAD

Summative Tests with Answer Keys

DOWNLOAD

Performance Tasks with Rubrics

DOWNLOAD

COT Lesson Plans (Quarters 1-4)

DOWNLOAD

DepEd proposed P3,000 additional pay for teachers for the extra hours due to VCM and SD card issues DepEd proposed P3,000 additional pay for teachers for the extra hours due to VCM and SD card issues Reviewed by Teachers Click on May 15, 2022 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.