DepEd pushed for the suspension of loan payments for its personnel


The Department of Education (DepEd) pushed for the suspension of loan payments for its personnel, especially those directly affected by the recent typhoons.

1. Ano ang loan moratorium?

Ito ay isang pansamantalang pagtigil o pagpapaliban ng pagabayad sa loan.

Sa panahon ng 'moratorium', hindi kinakailangang magbayad ng buwanang hulog, interes, o iba pang kaugnay na bayarin ang nangungutang sa loob ng itinakdang panahon.

2. Ano-ano ang mga naging aksyon ng DepEd?

• Hiniling ng DepEd sa lahat ng financial institutions na suspendihin ang pagbabayad ng loan.

• Nakipag-ugnayan sa GSIS na magpatupad din ng kaparehong pagsususpinde para sa kanilang mga miyembro.

• Hiniling din sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi ituring ang loans ng DepEd personnel na non-performing loans, partikular simula December 2024 hanggang March
2025.

3. Gaano katagal ang pagsususpinde sa pagbabayad ng loan?

• Para sa lahat ng kawani ng DepEd: Suspendido para sa December 2024. Magsisimula muli ang pagbabayad sa January 2025.

• Para sa mga direktang apektado ng bagyo: Tatlong (3) buwan mula January 2025 hanggang March
2025. Magsisimula ang pagbabayad muli sa April 2025.

4. Sino ang sakop ng pagsususpinde sa pagbabayad ng loan?

• Para sa December 2024 na pagsususpinde: Lahat ng kawani ng DepEd.

• Para sa January-March 2025 na pagsususpinde:
Mga bona fide residents o personnel ng DepEd sa mga lugar na idineklarang calamity areas ng appropriate government agencies, kabilang ang Office of the President, LGUs, o Office of Civil Defense simula September 2024.

5. Ano ang sakop ng pagaususpinde sa pagbabayad ng loan?

• Saklaw nito ang lahat ng charges, costs, at interests ng loan payments.


GOOD NEWS FOR TEACHERS (READ HERE)
DepEd pushed for the suspension of loan payments for its personnel DepEd pushed for the suspension of loan payments for its personnel Reviewed by Teachers Click on November 29, 2024 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.